Pages

Saturday, July 19, 2014

Hindi ba sumasapat ang kita mo?

"Income is determined by the amount of problems you are willing to solve for others." -Vic and Avelynn Garcia

Ilang beses ko rin binalik-balikang basahin ang mga libro sa "Unleash the Highest Potential of Your Money" Series dahil ang dami nilang naituturong bago sa mga gaya kong interesadong mapaganda ang personal finance situation.

Ang sabi ng mag-asawang Garcia, ang isang kumpanya ay may problema kaya siya maghahanap ng empleyadong lulutas sa problema nito. Kung mas malaki at mas mahirap ang problema, mas mahal ang bayad.

Ngayon, tignan mo ito: kapag nahaharap ka ng problema sa trabaho, huwag kang maiinis. Huwag kang malulungkot. At lalo nang huwag kang magagalit. Iyan ang dahilan na may trabaho ka. Kapag wala ka nang problema sa trabaho, kabahan ka na, baka hindi ka na kailanganin sa kompanya mo.

So now, gusto mo bang lumaki ang kinikita mo? Eto 'yun.

Dagdagan mo ang problemang sinusolusyunan mo para sa iba. Hindi tumataas ang sweldo ng maraming tao dahil ang problemang sinusolusyunan nila last year ay iyon pa rin ang kaya nilang solusyunan ngayon. Hindi nga naman tataas ang sweldo mo kung iyon parin naman ang kaya mong gawin, diba?

Kaya sa Lunes, itanong mo sa boss mo kung may bagong problema ba siyang gustong ipalutas sa'yo, bukod sa dati mo nang ginagawa para sa kumpanya. Kung makikita niyang kaya mo nang lumutas ng problema na mas mahirap, pwede ka na niyang i-promote. Pero dapat ay may kakayahan at cedentials para mapanindigang worthy ka para sa bago mong problem-solving venture. Marami kayong gustong mag-solve sa problema ng boss mo--hindi magiging madali iyan. Agawan iyan. Ipakita mong ikaw ang karapat-dapat na lumutas ng problemang iyan dahil kayang-kaya mo 'yan.

Ngayon, parehong prinsipyo ang ia-apply mo sa paggastos o expenses. Kung mas marami kang problema, mas marami kang gastos dahil mas marami kang kailangang ipasolusyon sa iba. Ang problema lang, nauutakan tayo madalas ng mass media sa paglikha ng mga "problema" na hindi naman talaga natin kailangang problemahin. Gusto mo ng halimbawa? Ok.

  • Cellular Phone. Una, kailangan mo ba ito? Bakit?
Si Neil, bumili siya ng P 1,000 na MyPhone. Si Abrick, bumili ng iPhone, and he had to shell out P 35,000 for it.

Si Neil kasi, ang problema lang niya ay isang gadget na pwedeng pantawag at pang-text. Sa isanlibong piso, solb na siya.

Si Abrick, ang dami niyang problema! Talk, text, camera (high-resolution), wifi, bluetooth, music, movies, email, Facebook, Twitter, Tumblr, at porn at marami pang iba, kaya trentay singko mil ang kailangan niyang panlutas sa komplikasyon ng buhay niya. O sige, dahil pa kailangan niyang ibandera ang APPLE brand. Anong problema niya? Hehe.

Ano ang ibig sabihin nito? Ang taong maraming problema (o pinu-problema), magastos. Ang taong konti lang ang problema, matipid. Tama?

  • Sapatos.
Si Neil, bumili nang Advan na rubber shoes. Okay na. Isa lang naman ang problema niya eh, sapatos.

Si Abrick, bumili ng Nike. Ang daming problema. Una, sapatos. Pangalawa, dapat sapatos na may "Air", at dapat, 'yung sinusuot ni Michael Jordan. Kaya, ang solusyon sa problema ni Abrick na may "air" ay P 6,000. Ang pinakamalaking problema ni kuya kaya kinailangan niya ng mas mahal na sapatos bukod-tangi sa iba ay "image problem"... Sabi nga niya, "Ano na lang ang sasabihin ng madlang people?" Sige, kuya, i-push mo 'yan.

Hindi pa masyadong malala si Abrick. Marami akong kilalang mas malaki ang image problem kasya kanya. Kailangan, Lebron. Kailangan Kobe. Kailangan Wade. Sige, ikasasaya niyo 'yan.

  • Kape.
Aminado ako, problema ko ito. Pwede namang 3 in 1. Pero kasi... I'm very particular with my coffee that I have my own Keurig Coffee Maker at home. Bulk of my monthly expenses goes to coffee. But when I get to master my coffee appetite, I know it will save me a lot of bucks. Ang mahal ng K-cups na kailangan ko pang ipa-shift mula sa COSTCO.

Kung gusto ko naman ng frappe, I would go to my favorite coffee shop ($SBUX), and it does not feel good to shell out around P 200.00 for coffee. Nagiging mahal na bisyo ito. Pero kasi... Yun. Alam ko nang marami akong problema tungkol sa kape ko. Hahaha! Mawalan na ako ng celfone, o sapatos, o kahit ano pa, huwag lang ang kape ko! Waaaah!

Again, I will remind you, the less problems you have, the wealthier you become. The market borrows the power of mass media to lure you into buying things and shove these things to your face and convince you YOU NEED THIS! You can not resist it, admit it. So the best way to fight this is: avoiding. Isipin mo na lang na imbes i-gastos mo, idagdag mo na lang sa pambili mo ng stocks mo! Right? :)

So, be wise in your spending. Let your critical mind do its own thing to distinguish your needs from your wants. You will soon be able to buy the things you want, and more (!), if you only commit to improve your spending habits.

2 comments:

  1. IS IT A NEED OR A WANT?
    In my family there is this system working. When we go to the mall every Sunday after hearing the Holy Mass. My family spends 2,500.00 pesos for groceries every week. An additional 2,000.00 pesos worth of baby milk and diapers for our 2 years old baby Rafa. The system is activated when the counter hits more than 2,500.00 pesos. We trace on which item caused the additional expense. then, pinpoint who placed that particular item in the grocery cart. He is then asked, "do you NEED this or just WANT it?". Because, if you need it the whole family would look for an item to sacrifice. But, if you just WANT it. Then, you have to sacrifice your item to the item you want. It is a family arrangement that "if you WANT something you have to sacrifice something. Don't let the whole family sacrifice for something you just WANT." With this system we are able to control our expenses and manage our budget.

    ReplyDelete
  2. Kailan ba sumapat ang kita? I got my first job here in Pangasinan. My salary was then 7,000.00 pesos a month and good enough for a starting family of one kid. Then, I got a job in Manila and I was then earning 30,000.00 monthly and It was not enough. The bigger you earn, expenses follows. Use the formula of wealth: INCOME - SAVINGS = EXPENSE. first, set aside what you want to save then spend what is left from your income. You will surely be a wealthy person. Based on a study, setting aside 30% from your income is not painful in your budget.

    ReplyDelete

Busy and stressed out? Take a break. Let's have coffee.