Pages

Showing posts with label national artist. Show all posts

Thursday, July 3, 2014

Nora Issue. Vilma Issue. And the Aquinos.

Sa mga kabarkada kong makakabasa nito, HOY huwag niyo akong pagtatawanan sa debut issue ng blog ko. Magagalit ang nanay niyo! Hehe.

Sabi ng propesor ko dati sa Philippine History, noong dekada '80 raw, ang Pilipinas ay hindi nahahati sa tatlong isla, ang Luzon, Visayas at Mindanao. Nahahati raw ito sa dalawang faction: ang mga Noranian at ang mga Vilmanian. Si Nora Aunor, na kilala rin bilang Philippine Superstar, ay sumikat dahil sa kanyang galing kumanta at umarte sa sine't telebisyon. Hindi ko na naabutan ang pamamayagpag ni Nora noon pero isa ako sa mga magpapatunay na isa siya sa mga pinaka-magaling na artistang napanood ko (sa Humanities at Media Studies noong kolehiyo). Damang dama ko ang pagiging Pilipino sa kanyang mga pelikula. Pero ano itong isyu nang pagkakalulong niya ng droga na siyang naging basehan ni Pangulong Aquino upang hindi siya gawaran ng pinaka-mataas na parangal sa mga Alagad ng Sining sa Pilipinas?

Marami ang naniniwalang hindi kasali sa pagiging artist ng isang tao ang kanyang paggamit ng droga. Hindi ito kabawasan sa kanyang talento. Baliw nga si Vincent Van Gogh at Nikolai Gogol (i-google mo na lang kung di mo sila kilala) pero sino ba ang makapagsasabing di sila mahusay sa kanilang larangan? At iyan nga ang issue ni Aling Nora. Sa picture na makikita niyo, kasama niya sina Direk Joel Lamangan at Premyadong Manunulat Ricardo Lee sa kanyang pagkondena sa pangulo dahil sa di-umano'y over exercise of prerogative.

At siyempre, ang Star for All Seasons, Governor Vilma Santos ng Batangas, may issue rin. Nagkanda-mali-mali siya sa kanyang spelling at tense (oo, English teacher ang peg ng mga madlang pipol) sa thank you card na pinadala niya kay Kris Aquino. Siyempre, hindi pinalampas ni Kris Aquino yan, pinost niya sa kanyang Instagram kasama ng mga bigay ni Ate Vi na tinapay. Bigla tuloy binash si Gov sa kanyang mga kamalian. Alangang patulan ng gobernadora ang mga kung sinu-sino lang diba? Ang ginawa niya, inamin niyang mali nga ang kanyang "truely". "Marami pa talaga akong dapat matutunan. I think that's what's important, that we continue to improve everyday." Ansavehhh? Gobernador na yan. Mayaman. Makapangyarihan. Pero, hindi talakera at patola. Eto yung pinagkakaguluhang Instagram post ni Kristeta:

Wala akong issue sa kanilang lahat. Hindi ko ikayayaman ang panigan ang kung sino man. Nakakatuwa lang isipin na bumabangon uli ang mga nahimlay sa titans sa loob ng 30 years bago sila nagka-issue uli ng sabay. Kung nagbabasa ang nanay (at/o tatay) mo ng Kislap at Gossip Magazine noon, ganyang ganyan ang eksena nilang dalawa.

Pero ano nga ba ang common na issue sa dalawang pangyayaring ito? Ewan. Pero ang sabi ng kusinera namin, ang kontra-bida raw sa buhay ng mga idolo nila ay ang mga AQUINO. Hahahaha! Di ko naisip yon. Pero masanay na kayo, di talaga ako nag-iisip most of the time.

Eh ikaw ba, ano ang isyu mo?

Busy and stressed out? Take a break. Let's have coffee.