FATHER NEIL
Hindi
inaasahan ni Father Neil na mahirap palang maging parish priest. Iilang buwan
pa lang niya’y napagod na siya sa parang novenang routine na paulit-ulit lang,
at sakal sa kanyang habitong pumupulupot sa kanyang katawan. Kaya pagkatapos ng
huling misa, isinuot niya ang kanyang black Hard Rock Café na T-shirt, faded
jeans at leather jacket. Pagkatapos piliin ang helmet na itim, napaisip uli
siya kung aling big bike ang gagamitin, ang Ducati o ang Harley. Pinili niya
ang Harley dahil mas babagay ito sa kanyang get-up, at humarurot na nga ang
motor na parang walang bukas.
Nararamdaman niya ang hangin na parang pumipigil sa kanyang bilis papunta sa pinakamalapit na mall sa susunod na bayan. Sa daan, nakakita siya ng mga Hapon sa gilid ng kalsada na panay ang bow sa isa’t isa. Medyo natawa siya sa sarili niya habang naiimagine niya ang napakaconsistent na bobbing of heads. May kung anong naalala siya sa kanyang nakalipas.
Nang siya’y nakarating sa mall, dumiretso siya sa bar. Ang original plan ay manood ng sine, pero somehow, nagbago ang kanyang isip.
Chineck muna nito kung maraming tao. Kung may makakakilala kaya sa kanya. At kung safe ba ang lugar to let his guard down eventually, bago siya pumasok. May kamahalan sa bar pero iba ang ambience. Parang slice of urban living. Parang uptown Malate, ganun ang crowd niya.
Umupo si Neil sa harap ng bartender at umorder ng dry Martini. Nakayuko at hindi lumilingon. Naka-ilang shot din siya, habang pinakikinggan ang Downwind Collection na theme ng gabing yun. Sa kanyang kaliwa, sa bandang dulo ng bar, nahuli ng kanyang peripheral vision na may lalaking nakatingin sa kanya. Mukhang twenty-ish ito, maputi, hindi katangkaran pero parang gym-buffed. Gwapo’t kahawig ng bestfriend niyang si Warren. Tumingin si Neil para hulaan ang intention ng lalaki. Sustained ang eye contact for more or less five seconds, at saka nagkangitian. Lumapit ang lalaki sa kanya to strike a conversation, “It’s your first time to come here, right?” “What made you think so,” sagot ni Neil ng nakangiti dahil nagi-inglesan na sila, pero sa shot glass nakatingin. “For one, I must’ve met you before. I know all the beautiful people in this bar. And second, I really should know. I own this place. Reinhardt Sandez, by the way,” sabay ngiti at bukas ng kanyang palad. Tumingin si Neil sa lalaki at kinamayan ito, “Nice to meet you, bro… I’m…” mabilis pa ang reflexes niya kahit nakainom na. Tumingin kunyari ito sa cellphone. “Sorry, I have to be going. Nice place you have here,” sabi ni Neil sabay tayo. Tumango lang ang lalaki na parang appreciative pa, pero sa itsura niya’y parang rejected. “Wait, I didn’t catch your name,” sabi ng lalaki pero halfway through the door na si Neil.
Sumakay ito sa kanyang bike na humarurot uli na parang walang bukas. Naramdaman uli niya ang hangin na pumipigil sa kanyang bilis pabalik sa kumbento pero parang mas mabigat ngayon ang pakiramdam.
Kakaibang pagod ang kanyang naramdaman. Nagsasawa. Nasasakal.
***
Ang pamilya ni Father Neil ay may-ari ng hacienda sa Ilocandia. Parehong pulitiko ang kanyang mga magulang at parang doon narin mapupunta ang kanyang nag-iisang nakababatang kapatid na lalaki. Kaya tuloy may kung anong pag-aalangan ang mga tao sa pakikitungo nila sa kanya, isang bagay na hindi niya ginusto.
Habang siya’y nagsisilbing parish priest, siya rin ang principal ng parochial school. Lahat ng inuutos niya’y sinusunod, pronto. Hindi pa man siya nag-uutos ay sinusunod na siya.
Isang araw, isa sa mga teacher ang nagpaalam mag-absent para sunduin sa airport ang kanyang asawang galing Qatar kaya kinailangan niyang magtake-over sa English class nito ng dalawang araw.
Pagpasok niya sa classroom, pinaupo niya ang mga kilalang pilyo’t makulit na suki ng principal’s office sa harap gaya ng sistema sa exclusive Catholic school nila ni Warren noong elementary at high school. Pero hindi ito ang kanyang rason. Mas lively daw kasi ang klase pag nasa harap ang mga magugulo’t makukulit. Kaso, uncharacteristically behaved ang mga ito sa klase niya. Sa klase lang niya. Tahimik ang lahat pag siya na ang teacher, walang nahuhuli sa pagforward ng papel kapag quiz at wala ring nagtutuksuhan ng crush crush. Minsan nga’y nabibingi ito sa katahimikan at kaayusan ng lahat na kailangan pa niya ng astig na motivation para may magsalita at may magsimula ng kalokohan. Pero pag nagsimula na ang masayang aura ng klase, siya na itong nangunguna sa jokes na napaka animated, minsa’y green, pero laging tactful at tasteful. Tama lang sa kwela. Tama lang sa kalog. Tamang timpla, kumbaga, and then, balik sa discussion.
Sa pagtatapos ng pangalawang araw niyang nagtuturo, isinulat niya ang kanyang e-mail address sa white board at sinabihan ang kanyang mga estudyanteng feel free to send him questions about the topics covered kung mayroon man. Alam niyang wala, pero kung bakit parang umaasa siyang i-e-mail siya ng mga ito ay hindi nalang niya inisip noong panahon iyon.
Dumiretso ito sa kanyang opisina at ang lahat ay hinahanap-hanap niya agad. Sobrang tahimik sa kanyang opisina. Para uli siyang mabibingi. Inisip niyang kung alam lang ng Vatican ang kanyang mga hirap sa araw-araw sa parish, at sa kanyang damdamin, ay baka iconsider pa siyang ibeatify at gawing santo. Ako’y walang bahid dungis! Sakdal linis! Bulong nito sa sarili at tsaka napangiti hanggang ang ngiti ay natunaw sa kanyang pagmumuni-muni.
Sumagi rin sa isip niya ang nalalapit na paglipat nito sa kabisera pagkatapos ng kanyang turn sa parish na iyon. Mabilis ang takbo ng panahon. Pero para kay Neil, istasyon sa krus ang bawat araw.
***
“Forgive me father for I have sinned. Ito po ang aking unang kumpisal sa buwan na ito. Nagkumpisal po uli ako, father, noong magkakatapusan.”
“Tell me your sins.”
“Father, ikinumpisal ko po sa inyo last month na… na nagbate po ako habang inaamoy ang brief ng roommate ko sa dorm. Naulit po ito, father.”
“You committed the same sin after confession. You don’t seem sincere in your repentance.”
“Father… Para pong… Mahirap pong ipa… i-exp… Father, kahapon po, noong ginawa ko iyon, nahuli po niya ako… Natakot po ako baka bugbugin niya po ako at ibuko sa school. Pero… Nahihiya po ako sa sarili ko. Tapos lumapit siya sa kama ko at ibinaba ang pantalon niya. Sabi niya bakit daw po hindi yung suot niyang brief ang amuyin ko.”
“Hijo, what he said to you isn’t your fault.”
“Pero, father, sa mga panahong iyon, kakaiba po. Iba po ang feeling. Parang nababastusan po ako sa mga sinasabi niya noon pero parang… Iba. Father… Binijey ko po siya. Nakakahiya po. Noon ko lang po ginawa iyon.”
Hindi agad nakapagsalita ang pari. “Were you aware that you were committing a sin when you were doing the act?”
“First sem pa lang po, crush ko na siya. Alam ko pong kasalanan iyon dahil pareho kaming lalaki… Sabi sa religion class namin, kasalanan daw po ang magsex nang hindi kasal. Naguguluhan po ako. Kailangan po bang kasal din ang dalawang lalaki parang sa Canada bago sila pwedeng magsex? Siya po ang pumilit sa akin na gawin ko iyon sa kanya, gusto po niya iyon, kaya ginawa ko na rin po. Sino po ang may kasalanan? Wala naman pong parang naargabyado. Kung ako man po iyon dahil ako po ang pinilit, okay lang naman po sa akin iyon.”
Alam ni Neil ang dilemma ng bata. Inisip niyang kailangan nito ng counseling. Gusto niyang paliwanagan ito. Pero wala rin siyang nasabi. Alam na nito ang isasagot. Magquo-quote na ito sa biblia at sasabihin ang mga nagawa nitong kasalanan sa mata ng Diyos. Pero nagpaluwag lang ng lalamunan ang pari ng paubo. Pinilit umpisahan ang unang salitang sasabihin. Pero nagpatuloy ang bata sa pagpapaliwanag.
“Father, kahit na parang kasalanan, o kasalanan nga po iyon, noong mga panahon iyon, pakiramdam ko, kumpleto ako. Lagi po kasing parang may kulang sa buhay ko kahit nagsisimba ako, ginagawa ko lahat ng obligasyon ko sa bahay, paghiga ko po sa kama ko para matulog, parang may kulang. May puwang. Naramdaman ko po, habang naghahawakan kami ng katawan, parang buhay na buhay po ako. Iba po talaga ang pakiramdam. Masaya. Masarap. Sobra.”
Napaisip uli ito sa kanyang nakalipas. Noong first year college. Sa university gym. Sa loob ng locker room at dugout. Ilang beses din sa loob mismo ng seminaryo. Kahit sa sine lang sa Recto… Ang mga ulong tumatango sa dilim… Ang mga bibig na handa siyang paligayahin… Alam niyang kakaiba ang lakas na meron siya at napigilan niya iyon noon. Pero hindi lahat ng tao ay malakas. Oo, hindi lahat ng tao ay may ganung lakas. Muntik na siyang matukso noon pero sa isang buntong hininga, inisip niya si Warren, at nakayanan nitong iwasan ang ganoong pangyayari.
***
Nakaluhod ang pari sa first row ng University chapel at nagmemeditate. Maraming bagay bagay sa buhay niya ang bumusita sa kanyang isip. Mga bagay na yumanig sa kanyang paniniwala. Mga bagay na iniwan niya dahil sa kanyang pagpapari. Mga bagay na pinilit niyang isiping wala siyang ipinagsisisi.
“Neil!” sabi ng lalaki’t “Father,” sabi ng babae—pero sabay sila. Lumingon ang pari at narinig ang dalawang pamilyar na boses. Hindi niya suot noon ang kanyang eyeglesses. Lumapit pa siya. Nang makitang sina Warren at Lucy iyon. Binati niya agad ang mga ito. “Warren! Lucy… Adda kayo met ditoy? [Bakit kayo naparito?]” bati niya. “Daytoy, agpakasaren. [Eto, magpapakasal na],” sagot ni Warren.
Kaswal kung sagutin ni Warren si Neil. Palibhasa’y best friends sila mula pa noong elementary. Sa lalim ng pinagsamahan nila, walang problemang hindi nalagpasan ng magkaibigang ito. Contenders sila for valedictorian noong elementary sila. Kung sa talino lang naman, parang walang magpapatalo sa kanila, pero president sa lahat ng club at student organization si Neil noon, at nakaka-attend ito ng mga national workshops and conferences na hindi kayang i-shoulder ng school. Alam na ng lahat kung ano ang magiging resulta, pero sa kung anong dahilan, si Warren ang nagtop pagkatapos bisitahin nina Neil at ng mamá nito ang kanilang class adviser isang hapon. Dahil dito, 100% scholar si Warren kaya hindi siya pinalipat ng nanay nito sa public. Si Warren ang gumagawa ng assignment nila sa Math at Sciences, si Neil sa English at Filipino, ganito ang kanilang scheme all throughout high school. Noong college, dahil si Warren uli ang makakakuha ng 100% scholarship, parehong university uli sila nag-aral. Nag-eextend din ng financial help ang papá ni Neil kay Warren through the municipal scholarship program. Nagpatuloy ang masasayang araw ng dalawa sa college—kahit engineering si Warren at ecclesiastical naman si Neil, pilit pinagmamatch ang sched.
“Father Neil, iaask ka lang sana namen if you could officiate our wedding. Besides, best friend ka naman nitong si Warren ko, e. Please?” sabi nitong may pagpapakyut.
Natigil ang mga activity nina Warren at Neil noong sagutin ni Lucy si Warren na noo’y sa St. Scho naman nag-aaral. Paunti ng paunti ang bonding at hangouts ng magbest friend hanggang sa tuluyan na ngang mawala ito. Second year ay hindi na ito muling nagkita pa.
Medyo stunned si Neil nang maalala niya ang lahat ng ito. Pero sumagot din siya agad. “Ah, wen, siyempre, para ken ni bespren ah ket wen amin. [Ah, oo, kahit ano basta para kay bespren…ko.]” Ngumiti ang pari. Ngumiti ng medyo matamlay.
“Kasatnu garuden, umuna kami pay. Itext nak tu lattan. [Pa’no ‘yan, mauna na kami, Neil. Text mo nalang ako.]” sabi ni Warren sabay akbay kay Lucy habang papalabas ng chapel. Nang sasakay na sa kotse ang dalawa’y itinaas niya ang kanyang kamay parang tugunan ang buh-bye ni Lucy.
Ang saya ng dalawang iyon, naibulong niya sa sarili. Sana’y pagpalain sila ng Diyos.
Bumalik si Neil sa kanyang pagkakaluhod sa first row ng seats sa chapel. Lumamig ang buo niyang katawan. Habang nagflash ang parang slide show ng masasayang alaala nila ni Warren sa kanyang mga mata, unti-unti itong lumabo para magbigay daan sa butil-butil na luha na iniluwa ng kanyang mata.

Ilang taon din ang nakaraan ng matapos ng doctorate si Neil at naging bishop. Ang bilis ng kanyang usad papataas, bukod kasi sa nakuha niya ang highest honors sa graduate school ay sobrang taas din ang tingin sa kanya ng mga kasama nito sa kaparian.
Lahat ng bumibisita sa kanyang archdiocese ay humahalik sa kanyang kamay. Ang pangulo. Ang gobernador. Ang mga alkalde. Ang mga nirerespeto sa buong Ilocandia at sa buong Pilipinas… at ang mga iskolar, sacristan at varsity ng basketball team—mga iba’t ibang mukha ni Warren sa kanyang isipan.
Minsan, ang pakiramdam niya'y ang kamay na lamang niya ang may pakiramdam. Lahat na ng bahagi ng katawan niya, pati ang puso niya, ay manhid na't naghihintay na lang tuluyang manigas at mamatay.