Pages

Tuesday, October 21, 2014

On the "Alleged" Murder of Jennifer Laude

1. Ano naman ba ang kamatayan ng isang bakla para sirain at yurakan ang relasyon at pagsasamahang diplomatiko ng Pilipinas at ng Estados Unidos? Hindi ba iniisip ng mga Pinoy ang maaaring maging dulot ng lamat na ito sa deka-dekadang pagsasamahan ng Amerika at ng bansa? Ano ba naman ang kamatayan ng isang Pilipino? May maitutulong ba sa seguridad ng bansa ang isang Jeffrey Laude kung nabubuhay pa siya para ipagpalit yan sa mga 'kanong nag-eensayo sa ating sandatahan?

2. Ano ba itong maraming kaguluhan tungkol sa namatay sa transgender? Ano ba ang naibigay niya sa Pilipinas? Bakit ang laking isyu nito? Nagbabayad ba siya ng buwis sa kung anong kabuhayan meron siya? Kailangan pa nga yata tayong magpasalamat kay Pemberton, at manalanging dumami pa ang gaya niya sa Pilipinas para malinisan ang bansa ng mga ganitong uri ng tao, mga parang mikrobyo sa lipunan at sa bayan.
3. Siguro naman bago pinatay itong baklang ito, pinaranas muna siya ng sarap ng makisig na marino. Hanggang sa labis na sarap ay nasabi na lamang niyang, "Natikman ko na ang langit, wala pa akong aasamin pa sa mundong ito. Handa na akong mamatay." Sa sobrang pagpapakasarap niya, nakuntento na siya sa pagtamasa ng kanyang pangarap, ang maikama ng 'kanong sundalo... ng sabik na sabik na maskuladong (sumisisid) marino.

4. At sa pangkalahatan, wala ba sa ating handang magbuwis ng buhay para sa mga Amerikanong ito? Nandito sila sa Pilipinas para protektahan tayo mula sa mga arogante at bastos na Tsino na nangangamkam ng lupa. Ano ba ang masamang nagawa ng Amerika sa Pilipinas kundi ang bigyan tayo ng Edukasyon, ng Sibilisasyon, at ng mga kalye't tulay? Ng mataas na antas ng teknolohiya? Ng mga bagay na Stateside na kailanman ay hindi natin kayang higitan at pamarisan gaano man natin gustuhin?

5. At ang ikinakatakot ko lang, ano na lang ang mangyayari sa libu-libong mga Pilipino na nangangarap tumira o makapunta sa Amerika at kumita ng dolyares? Hihigpitan na kaya sila sa embahada ng US? Paano na ang mga nurse natin? Ang mga domestic helper? Ang mga gurong gusto makapag-aral at makapag-turo sa best universities in the whole wide galaxy? Mamamatay na lamang ba ang kanilang mga pangarap?

We can never be too sensitive about these things. Kaunting kibot, umaaray tayo na parang mauubos tayong mga Pilipino sa mga kakaibang "trip" ng mga sundalong 'kano. Milyun-milyon kaya tayo? Kahit isang milyong Pemberton at Smith pa ang ipadala sa Pilipinas, hindi tayo mauubos. ano ba ang inaalma natin, e binabayaran naman nila tayo? Hindi ba sapat ang tulong na binibigay nila para huwag na lang tayong magsalita sa ikakabuti ng ating bansang tinagurian na nga ng buong mundong "gates of hell".

*Idol ko kasi si Jonathan Swift, at ang kanyang essay na A Modest Proposal. Pasensya na sa mga hindi umaayon sa sinasabi ko.

5 comments:

  1. May katumbas na kabayaran rin ang pagpunta ng mga kano dito pero sakto lang kasi nabayaran naman nila sa pagpapagawa ng infastraktura.
    Idol ko rin ung a modest proposal, it gives a lot of powerful statement, suffering , wealth etc.
    If ever you'd like, can I invite you to write any story just for fun?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hmm.. aren't you my student? hehe. what do you need me to write for you?

      Delete
  2. Funny ones haha. Something that can light up the mood. Thank you a lot sir ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. U know where to reach me. Pag usapan ntn yn.

      Delete
  3. https://www.youtube.com/watch?v=XECMtlqpc-E

    ReplyDelete

Busy and stressed out? Take a break. Let's have coffee.